Kanina lang saFlash News eh inannounced na patay na nga daw si Francis Magalona. Nabalitaan ko lang ito sa text kanina. Nagkaroon din ng sandaling katahimikan at alay na dalangin sa Eat bulaga para sa kanilang kaibigang Rapper Isa si Michael V. sa tumakbo papuntang Medical City Hospital sa Mandaluyong city ng mabalitaan niya ito. Pumunta din si Ogie Alcasid at ang Quezon city vice mayor na si Herbert Bautista. Nakapalibot ang halos buong pamilya ni Francis ng siya ay mamatay. Magalang na sinabi ni Michael V. sa media na isa si Francis M. na inspirasyon kung bakit siya nandito ngayon sa industriya ng showbiz. Hindi pa nabanggit kung saan dadalhin ang mga labi ni “Master rapper” upang masilayan sa huling sandali. Update: Sa Funeraria paz ibuburol si Francis
My Site is back and hope will not be down again for a long time. Planning to shift into a paid hosting.
Mar 6, 2009 at 16:59:46
sa facebook ko lang din nalaman eh.. kakagulat no..may he rest in peace..
Mar 6, 2009 at 20:24:17
kakagualat noh…