
actually about kay arnel pineda itong blog na to..bakit may super bowl??
kaya may super bowl kasi dyan nagsimula yung aking pagbbrainstorm ko…
sa totoo lang hindi ko alam pa yung super bowl…sobrang mangmang ko talaga…nalaman ko na may kinalaman pala yun sa football na sikat na sikat na sports sa amerika.
Tapos isang araw eh narinig ko sa news na kumanta sa super bowl ang “Journey” na ang lead vocalist ay si Arnel Pineda na isang pinoy..
Mahigit 2 months pa lang nung una ko narinig yung pangalan ni Arnel at hindi ganun agad nakuha niya ang aking atensyon…hanggang sa ngayon eh napagdesisyunan ko na mag basa tungkol sa kanya…*salamat kay wikipedia sa mga info*…ayon nga kay wiki eh sobrang sikat pala ang bandang Journey na halos kasabayan pa nila ang mga Beatles, Beegees, at kung sino sino pang badang sumikat ng panahon dekada 70′…kaya pala ang tatanda na ng kasama niya sa banda..hehe…
para sa isang maikling info kay arnel pineda, naging member siya ng bandang journey December 2007 at pinakilala siya sa buong madla noong february 2008 bago nila ni-realease ang bago nilang album na may titulong Revelation ng June…
pero sa kabila ng mabilis na pagpalit ng kanilang vocalist eh nakakatuwa at gusto kong ipagmalaki na sa lahat ng mga naging foreign members(foreigner si arnel kc syempre sa amerika yung band nila) ng Journey eh siya lang ang mabilis na natanggap ng mga fans..
At dahil dito dapat talaga nating ipagmalaki ang mga katulad ni Arnel Pineda na pinapakita sa Mundo na kaya ng Pinoy makipagsabayan sa buong mundo!!
(napapansin ko mga post ko lately puro makabayan ha)
Astig talaga mga Pinoy…magkakaroon nga pala sila ng Concert dito sa manila
Ang venue eh Taguig, Global City
March 14, 2009 at 8pm
Ticket Prices: Php 3,180 (Gold), 1,600 (Silver)
and 800 (Bronze).
Pero hindi pa siya available…basta mabibili niyo siya sa ticketworld.com.ph
My Site is back and hope will not be down again for a long time. Planning to shift into a paid hosting.
Feb 6, 2009 at 14:12:56
havent heard him sing nor perform..lol is he really that nice?
Feb 6, 2009 at 16:34:02
magaling siya…try mo watch sa youtube…