banner My Site is back and hope will not be down again for a long time. Planning to shift into a paid hosting.

Updates: Currently I'm updating my blog. So stay tune and dont forget to subscribe my blog. You can add more text here. Overflown text will be hidden, so make sure to end your text just right here. More...
Jan
30th

Have you encountered God?

Author: gamzter | Files under Spiritual

05_08_10-cross-at-sunset_web

Naramdaman na ba natin ang Diyos? Nakita? Nahawakan? Narinig?

Jacob:
Genesis25:26
“Nang lumabas ang pangalawa, nakahawak ito sa sakong ng kanyang kakambal, kaya Jacob ang itinawag sa kanya. Animnapung taon si Isaac noon.”

Ang salitang Jacob ay nanganaghulugan na manloloko, tuso, sinungaling o anumang salita na maihahalintulad dito. Nang ipanaganak si Jacob eh, Jacob na talaga siya. Jacob ang itinawag sa kanya at nagpaka-Jacob naman siya. Pinanindigan niya na na Jacob siyang talaga. Maraming beses niyang inisahan ang kapatid niya na si Esau. Inisahan niya ito sa “birth right” at pati sa pamana ng ama ay niloko niya din ang kapatid niya… Nagpaka-Jacob siya until may nangyari sa buhay niya..

Genesis32:24-28
“at mag-isang nagbalik sa kabila. Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hangang magbukang liwayway. Nang maramdaman ng lalaki na hindi niya magagapi si Jacob pinalo niya ito sa balakang at itoy nalinsad. Sinabi ng lalaki “Bitiwan mo na ako at magbubukang liwayway na!”
“hindi kita bibitiwan hangga’t hindi mo ako binebendisyunan” wika ni Jacob. Tinanong ng lalaki kung sino siya at sinabio niyang siya’y si Jacob.
Sinabi sa kanya ng lalaki “Mula ngayo’y Israel na ang itatawag sa iyo, hindi na Jacob, sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay”

Marami ang nagsasabi na ang Lalaki na nakipagbuno kay Jacob ay ang Diyos. Magmula ng makipagbuno si Jacob sa Diyos. Lahat ay nagbago sa buhay niya. Mula sa pagiging Jacob ay naging Israel siya. Nang maging Israel siya ay pinag pala siya ng lubos lubos.

Moses:
Exodus2:11-24
Alam natin lahat ang istorya ni Moses…Pinatay niya ang isang egipcio upang iligtas ang kanyang kababayan. Marahil ang pangarap ni Moses ng mga araw na iyon ay mapalaya niya ang kanyang mga kababayan mula sa malulupit na kamay ng mga egipcio. Ngunit dahil sa takot sa nagawa niyang kasalanan ay tumakas siya sa egipcio at nagpakalayolayo. Marahil ay nawala na sa kanya ang pangarap niya na mailigtas ang mga Israelita. Ngunit hindi sadista ang Diyos upang ipakita sa atin ang pangarap natin na mawala.
Exodus3
Matapos ang mahabang panahon. Matanda na si Moses. Nagpakita sa kanya ang Diyos sa anyo ng Nagliliyab na punongkahoy. Dito ay binago ng Diyos si Moses at sa mga susunod na kabanata ay napalaya ni Moses ang mga Israelita. Mahirap man isipin ngunit si Moses ng panahon na iyon ay napakatanda na at pinalaya niya ang napakaraming tao mula sa kamay ng mga Egipcio. Just imagine, Lolo na tumatakbo at tumatawid sa gitna ng Red sea, may tungkod, at kasunod ang napakaraming tao. Laht ng ito ay naging posible magmula ng makita niya ang Punongkahoy na lumiliyab.

Save by the bell guy:
Luke23:40-43
Hindi ko alam kung ano talaga ang pangalan niya kaya yan ang pinangalan ko sa kanya.
Siya yung kasama na hinatulan na mamatay sa Krus kasabay ni Jesus… Itong taong ito ay makasalanan kaya siya ay napako sa krus. Pero ng dahil sa nagsisi siya sa kasalanan niya at tinangap niya si Jesus bilang tagapagligtas. Ito malamang ang pinaka magandang mga salita ang narinig niya sa buong buhay niya “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso”

Marami pang mga character sa bible ang nakakilala sa Panginoon at nagbago ang buhay… Kahit ngayon ay patuloy pa din itong nangayayri…

Hahayaan mo na lang ba na lumagpas ang buong buhay mo na hindi mo nakikilala ang Panginoon?

Basahin ang Biblia at mag devotion araw-araw.

Nang sa gayon ay araw-araw mo din maencounter ang Panginoon..

God bless!!!

Share it!:
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google Bookmarks
  • Blogosphere News
  • MySpace
  • Technorati
  • Tumblr
  • Yahoo! Buzz

Related Posts

Post a Comment

Watch Superbowl 2010 Streaming Online Watch Pacquiao Clottey Streaming Online