banner My Site is back and hope will not be down again for a long time. Planning to shift into a paid hosting.

Updates: Currently I'm updating my blog. So stay tune and dont forget to subscribe my blog. You can add more text here. Overflown text will be hidden, so make sure to end your text just right here. More...
Jan
13th

Temptations? Fight or Flight?

Author: gamzter | Files under Personal, Spiritual

Will you fight temptations or will you run and make the right turn?

“Ito ay galing sa aking minamahal na pinsan at sobrang maganda yung nilalaman at makabuluhan lalo na sa mga kabataang tulad ko.”

Kapag ikaw ay tinutukso ng “kaaway” ano ba ang iyong ginagawa?
karaniwan ay nilalabanan natin ito at hindi nagpapadala sa temptation…magandang labanan ang temptation tulad ng ginawa ni Jesus nung siya ay tinutukso ng demonyo na gawing tinapay ang bato, tumalon sa mataas na lugar at ang pagtukso sa kayamanan…

Pero hindi lahat ng temptation ay kailangan labanan….ang iba ay kailangan mong takasan.
Kung ang temptation sa iyo ay related sa sexual activity o sexual immorality, TAKASAN MO ITO…
walang saysay na labanan ang mga ganitong bagay. Malaki ang posibilidad na matalo ka sa ganitong klaseng tempation. Kung matatandaan natin si Joseph the dreamer, eh inaakit siya ng asawa ng kanyang amo ay tinakbuhan niya ito. Tumakbo si Joseph hindi dahil bakla siya, tumakbo siya dahil ayaw niya magkasala. HIndi kabawasan sa pagkalalaki ang pagtakbo sa ganitong klaseng sitwasyon, katunayan ay nakakadagdag ito ng respeto sa kanya. Even Joseph na malaki ang pananampalataya sa Diyos ay tinakbuhan ang temptation.
May mga character sa bible din na hindi tinakbuhan ang temptation sa halip ay nakipaglaro sa temptation ang resulta ay kapahamakan. Si David ay isa sa kinikilalang malapit sa Diyos sa bible, pero dahil din sa sexual temptation ay napahamak siya. Nakita niya kasing naliligo ang asawa ng kanyang sundalo at nagustohan niya ito. ang ginawa niya ay nilagay niya sa front line ang sundalo para mdali itong mamatay. Nang mamatay ang sundalo ay inasawa niya ang aswa nito. Nagalit ang Diyos sa ginawa ni David kaya kinuha Niya ang buhay ng anak ni David. Gayon din ang nangyari kay Samson na napakalakas, ngunit sa isang temptataion sa babae ay napahmak siya…

Sa mga kapwa kong kabataan, flee from this kind of temptation. Maaring ang resulta nito ay pagbubuntis, AIDS at kung ano ano pa…Kapag may nag pop up sa computer mo na pornography ay close mo na kaagad. Wag mong sabihin na “kaya ko itong labanan!kaya ko itong labanan!kaya ko itong labanan!” habang nakatitig ka dito. kalokohan yun! Wag din kayo papayag na maiiwan kayong Dalawa ng opposite sex mo sa iisang kwarto, kahit pa kaibigan mo lang siya. One thing leads to another and another and another….kaya yung pornography, iwasan din yan. impossible na kapag nanood ka nun eh ndi natatanim sa utak mo yung napanood mo, tapos kapag mag isa ka na maalala mo yan…then it leads to another and another and another….

Lastly, hindi talaga advisable na magka gf/bf ng maaga….katulad ng sinabi ko sa ibang discussion,
kung di pa kaya magpakasal, wag na muna makipagrelasyon. Kapag may gf/bf kasi ay most likely nakikipaglaro din sa temptation…

I hope eh may natutunan kayo or narealize sa mga nabasa niyo!

God Bless!

Share it!:
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google Bookmarks
  • Blogosphere News
  • MySpace
  • Technorati
  • Tumblr
  • Yahoo! Buzz

Related Posts

One response. Wanna say something?

  1. andi
    Jan 14, 2009 at 03:39:35
    #1

    oo meron!…akong natutunan :D haha! God bless you too Gammy!:D

Post a Comment

Watch Superbowl 2010 Streaming Online Watch Pacquiao Clottey Streaming Online